Thursday, January 25, 2007

Dream theater

Isa na naman napakahabang araw para kay Mark, sapagkat papasok na ito sa trabaho. mahihigpit na mga yakap ang sumalubong sa kanya mula sa mga katrabaho tanda ng pagmamahal at pagkamiss sa kanya. Pagdating kay Steve ay isang napakahigpit na yakap at malalagkit na tingin ang ibinigay nito kay Mark kasabay nito ang pagpadjak ng mga paa na tila isang sundalo na pinagpipiyestahan ng mga langgam ang mga paa sa sobrang tuwa. Kaya naman hindi maiwasang isipin ni Mark ang maghinala dito. Makaraan ang ilang sandali ay nagtanong na naman ng mga personal na bagay si Steve "may karanasan ka na ba?" tanong ni Steve. Kahit gustong magpanggap ni Mark na hindi nya alam ang ibig sabihin nang tanong nya ay sinagot nya ito ng pabiro.. "ha? e, oo ang dami nga ehh, wala talaga ako pinaliligtas!" Isang malaking ngiti ang nakita ni Mark sa mukha ni Steve.. "Talaga? wow! wag ka mag-alala hindi ako tatakas". Tila sinakluban ng langit at lupa si Mark sa narinig nya na binitawang salita ng kasama. Sa sobrang kaba ay nagsakit-sakitan ito para maaga makauwi. Paguwi sa bahay, kumain agad ito, naligo at tinapos ang mga takdang aralin. Maghahatinggabi na nang makahiga sya sa kama. Pagpikit ng mga mata nya ay ang mahiwagang diwata na ang nasa harap nya. masaya silang magkasama na naglalakad sa mala-paraisong lugar. "Alam ko panaginip lang to, nasan ako?" usisa ni Mark. "nasa mundo ka namin.." Napaisip ngaun si Mark.. "kung ganun, magkaiba tayo ng mundo?" "parang ganun na nga, sa panaginip mo lang tau magkikita at magkakasama" Parang dinudurog ang puso ni Mark sa mga narinig nya kahit gusto nyang itago ang nararamdaman ngunit walang ano-ano'y bumagsak ang mga luha nito.. "Bakit ka umiiyak anong iniisip mo?" nagaalalang tanong ng babae. "ano pa't nagkakilala tayo at nagibigan kung ang lahat lang ito ay isang panaginip?" "nakalimutan mo na ba na tayo'y may sumpaang wlang hanggang magiibigan? alam kong wagas ang pag-ibig mo at gayun din ako sayo." Biglang yinakap ni Mark ng buong higpit ang diwata. Nun lang nakaramdam ng isang wagas na pagmamahal si Mark at naniniwalang anu man ang mangyari'y pag-ibig nila'y hindi magmamaliw magpakailan pa man. "Kung gayun, sumama ka na lang sa mundo ko, o kaya'y ako na lang ang sasama sa mundo mo para hindi na tayo magkahiwalay" "Hindi ganun kadali yun Mark, kelangan natin maghintay ng takdang panahon., kung kelan yun, hindi natin alam." "hihintayin ko ang pagkakataon na yun kahit anong mangyari" "gayun din ako Mark.." malagkit na nagtitigan ang dalwa, hinawakan ni Mark ang pisngi ng dalaga kasabay nito ang maiinit na halik at yakap..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home