Sunday, December 03, 2006

hiwaga

Hating-gabi na natapos si Mark sa trabaho kaya pagdating sa bahay ay dali-dali itong naligo at natulog sapagkat may pasok pa ito sa eskwela kinabukasan.Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na tulog ay nanaginip nito tungkol sa isang babae na hindi pa nya nakikita. Isang babae na magpapabago sa malungkot at walang direksyon nyang buhay. Isang babae na iniibig nya ng lubusan at wagas sa madaling salita. Sa panaginip nya ay kapwa sila nagiibigan at nagkakaintindihan na walang hanggang magmamahalan at kulang na lang ay magsumpaan. (RRRrrriiinngg....) tumunog na ang alarm clock panibagong araw nanamn para kay Mark. tila parang ayaw pang bumangon ni Mark mula sa higaan dahil sa kanyang panaginip at ang mahiwaga, misteryoso at tila isang diwata sa kanyang panaginip.. Malaki ang naging epekto nito sa kanya. Parati nya ito naiisip kahit nasaan sya at umaasa na mapapanaginipan nya ulit ang diwata. Sa kabila ng madalas na pagiisip at tulala nito, hindi naman na-apektuhan ang pagiging henyo nito lalo na pagdating sa mga aralin.. Isang araw, puno ng pangambang sumakay sa bus si Mark, pusturang pustura kahit walang laman ang bulsa. Pagsakay sa bus ay tila mga uhaw at gutom na linta na nakatitig ang mga pasahero sa kanya na animoy gusto syang lapangin. Kaya naman napalunok na lang ito at nanlalamig sa pawis na parang gusto na rin maghubad subalit nagdalawang isip ito sa dahilang may dalagang katabi ito at iniiwasan nyang matukso ang dilag s mala-adonis nyang katawan. Pagdating sa klase, masasamang tingin ang sumalubong sa kanya mula sa kanyang teacher sapagkat late na naman ito datapwat hindi ito nagpahalatang takot bagkos ay animoy pulitiko itong nagkakaway sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa gitna ng discussion, sumagi na naman ang diwata sa kanyang panaginip, panaginip na gusto nyang balik-balikang at hinahangad na maging isang katotohanan..

ALARMA!

Alas syete na ng umaga, oras na para gumising si Mark 9am simula ng trabaho nya kaya dali-dali itong naghanda ng sarili, nagalmusal, naligo at nagbihis wala syang inakasayang segundo sapagkat ayaw nyang mahuli sa trabaho. Sa isang pizza restaurant sya nagtatarabaho na kung saan ay siya ang gumagawa ng pizza at madalas ay nagseserve sa customer. Madali naman nyang natutunan ang mga dapat matutunan dahil na rin sa likas nyang talino at abilidad kaya naman ang ibang nyang katrabaho ay nagtataka kung bakit napakagaling nito gayung isa palang itong baguhan.. Isang araw, nagkekwentuhan si Mark at ang katrabaho nitong si Steve. " Mark, may asawa ka na ba?". "Ano??". "Sabi ko kung may asawa ka na?". "Wala pa, bakit"? takang tanong ni Mark sapagkat habang tinatanong ito ni Steve ay kasabay ang malalagkit na titig nito sa kanya na parang may ibang ibig sabihin.., "Bakit mo naman naitanong?". "wala naman, naalala ko lang kasi ang nobyo ko , este yung pamangkin ko pala, kasing edad mo rin kasi sya". Lalong naghinala si Mark sa pagkadulas ng dila ni Steve nang sambitin nya ang salitang nobyo sapagkat lalake naman ito na may malaking katawan na tila sampung taon nagtrabaho sa katayan ng baboy. Habang humahaba ang usapan nila ay napapansin ni Mark ang malilikot na dila at bumibilog na bibig ni Steve habang nagsasalita ito kaya minabuti na lang nya na bumalik na sa trabaho at wag na lang bigyan pansin ang mga napupuna.