Monday, October 31, 2005

Unang Hamog

.Malimit ay tulog si Mark sa klase gayon pa man ay sya parin ang pinaka-magaling sa klase kaya pinapabayaan na lang sya ng mga teacher matulog sa klase, ngunit minsan ay nakakaramdam din sya ng hiya sa mga kamag-aral at teacher nito lalo na noong nagisnan nyang tapos na ang klase at ginigising sya ng isang kaklse para sabihing oras na para umuwi. Pagkatapos ng klase ay diretso na siya sa trabaho, sa isang sikat na restaurant nagttrabaho si Mark na kung saan ay madalas siyang pinagnanasahan ng mga katrabaho nito maging mga lalake dahilan na rin ng maamo nitong hitsura na parang isang anghel na bumaba galing sa langit. Hindi na sya nagtataka sa mga napapansin nya sapagkat datapwat subalit ngunit sapagkat simula pa pagkabata ay nasa kanya na ang lahat ng magagandang katangian na pinapangarap ng mga kadalagahan. Sa kabila ng mga katangian niyang ito ay mapagkumbaba parin siya na kahit kelan ay hindi nya pinuri ang kanyang sarili o nagbuhat ng sariling bangko. kahit magaganda ang katangian nya, ay lagi siyang bigo sa pag-ibig, na tila ba pagkatapos gamitin ang kanyang katawan ay bigla na lang iiwanan, masakit man ito kay Mark ay pilit na lang niyang tinatanggap ang mga katotohan.




Friday, October 28, 2005

Fasten your Seatbelt!

Oct 12 nun nung dumating ang magkapatid na Mark at Jack sa Canada. halos 24 oras ang biyahe tumae pa nga si Mark sa banyo ng eroplano.Habang nasa byahe ang dalwa ay kakikitaan mo n ng malaking pagkakaiiba ang magkapatid, si Jack ay laging tulog at parang na-pesteng manok habang si Mark naman ay laging masigla at aktibo bukod p dito ang taglay nyang mala adonis n katawan. Nagstop-over sila sa Hongkong, at doon ay animoy mga turistang artista ang magkapatid na pinagkaguluhan ng mga kadalagahan doon. Hindi rin sila nagtagal doon at umalis na rin sila patungo s kanilang destinasyon. kinaumagahan nung naghahatid na ng breakfast ang mga flight stewardest ay tulog na tulog pa ang dalwa at animoy mga sanggol sa nursery.Naiwang bukas ni Mark ang takip ng bintana, subalit kahit nasisinagan ang araw ang muka nya ay tulog parin ito halatang pagod kaya ang ilang stewardest ay napapangiti sa kanila na parang nakakita ng maamong angel. Sa wakas ay dumating na rin sila sa Toronto na kung saan ay naghihintay ang kanilang ina. wala na silang inaksayang oras noon at nagmadali na rin silang pumunta ng London kung saan sila titira. OMG hindi ko na alam ang isusulat ko d2.. next... pakibasa na lang nung nsa taas neto.. salamat