Tuesday, February 19, 2008

Bangungot

Simula na naman ng isang magandang araw para kay Mark, araw ng kanyang pahinga. rrriiiiinnnggggg.. "hello, bugoy napatawag ka??" tumwag ang kaibgan nitong si bugoy upang ayain si Mark na pumunta sa parke, Hindi na nagdalawang salita ang kaibigan nito at mabilis na na pumnta ang dalawa sa parke . magandan ang panahon noon, maraming tao ang namamasyal sa parke, may mga magkasintahan at pamilya na namamasyal ngunit parang may napapansin si Mark na kakaiba sa kinikilos ng kaibigan, madalas kasing nakatitig si bugoy kay Mark na tila hinuhubaran nito s titig subalit hindi na lang ito pinansin ni Mark. Nagkwentuhan ang dalawa doon at napagusapan nila ang nakaraan ng isat-isa. Nlaman ni Mark na may nobya pala si bugoy na babae, . habang kumakain ang dalawa sa parke ay may dumaan sa harapan nila na isang mapangakit na dalaga na tila bumihag sa damdamin ni Mark, Nung mga oras na yun ay parang tumigil ang oras kay Mark, wala siyang ibang nakikita o naririnig kundi ang babae na nakikita nya gusto niya itong lapitan at kilalanin subalit may kasama itong lalake na sa isip ni nya ay kasintahan ng dalaga. itinago ni Mark ang nararamdaman nya dahil na rin sa takot nito na baka mabigo nanaman ito at iwanan pagkatapos matikman ang alindog nito. Magtatakip silim na noon nung umuwi ang magkaibgan, pagod na pagod si Mark kaya naman nakatolog na sya s sofa nila ng walang malay.. Ilang sandali ay nanaginip na naman ito. lagi niyang napapanaginipan ang diwata. " Mark...... Mark.... Mark...." tawag ng diwata. tuwang-tuwa si Mark sapagkat nakita na naman niya ang diwata sa kanyang panaginip ngunit habang tinitigan niya ang diwata ay nagbabago ang hitsura nito. Isang anyo ng lalake ang nakikita ni Mark.. Npasigaw ito sa natuklasan, nalaman niya na ang diwata ay isa palang lalake na nagtatago sa anyo ng babae para lang mabihag ang puso ni Mark at matikman ang katas nito. Mabilis nagising si Mark, hingal-na hingal ito at basang -basa ng pawis. halos mapaiyak si Mark sapagkat maging sa panaginip ay pinagnanasahan ng kung sino-sino.. habang nakahiga si Mark ay naalala nya ang dalaga sa parke, naramdaman ni Mark na kahit nun lang niya nakita ang dalaga ay nahulog na ang loob nya dito na kahit maraming naging kasintahan itong si Mark ay sa dalaga nya lang naramdaman ang mga ganung bagay..

Thursday, January 25, 2007

Dream theater

Isa na naman napakahabang araw para kay Mark, sapagkat papasok na ito sa trabaho. mahihigpit na mga yakap ang sumalubong sa kanya mula sa mga katrabaho tanda ng pagmamahal at pagkamiss sa kanya. Pagdating kay Steve ay isang napakahigpit na yakap at malalagkit na tingin ang ibinigay nito kay Mark kasabay nito ang pagpadjak ng mga paa na tila isang sundalo na pinagpipiyestahan ng mga langgam ang mga paa sa sobrang tuwa. Kaya naman hindi maiwasang isipin ni Mark ang maghinala dito. Makaraan ang ilang sandali ay nagtanong na naman ng mga personal na bagay si Steve "may karanasan ka na ba?" tanong ni Steve. Kahit gustong magpanggap ni Mark na hindi nya alam ang ibig sabihin nang tanong nya ay sinagot nya ito ng pabiro.. "ha? e, oo ang dami nga ehh, wala talaga ako pinaliligtas!" Isang malaking ngiti ang nakita ni Mark sa mukha ni Steve.. "Talaga? wow! wag ka mag-alala hindi ako tatakas". Tila sinakluban ng langit at lupa si Mark sa narinig nya na binitawang salita ng kasama. Sa sobrang kaba ay nagsakit-sakitan ito para maaga makauwi. Paguwi sa bahay, kumain agad ito, naligo at tinapos ang mga takdang aralin. Maghahatinggabi na nang makahiga sya sa kama. Pagpikit ng mga mata nya ay ang mahiwagang diwata na ang nasa harap nya. masaya silang magkasama na naglalakad sa mala-paraisong lugar. "Alam ko panaginip lang to, nasan ako?" usisa ni Mark. "nasa mundo ka namin.." Napaisip ngaun si Mark.. "kung ganun, magkaiba tayo ng mundo?" "parang ganun na nga, sa panaginip mo lang tau magkikita at magkakasama" Parang dinudurog ang puso ni Mark sa mga narinig nya kahit gusto nyang itago ang nararamdaman ngunit walang ano-ano'y bumagsak ang mga luha nito.. "Bakit ka umiiyak anong iniisip mo?" nagaalalang tanong ng babae. "ano pa't nagkakilala tayo at nagibigan kung ang lahat lang ito ay isang panaginip?" "nakalimutan mo na ba na tayo'y may sumpaang wlang hanggang magiibigan? alam kong wagas ang pag-ibig mo at gayun din ako sayo." Biglang yinakap ni Mark ng buong higpit ang diwata. Nun lang nakaramdam ng isang wagas na pagmamahal si Mark at naniniwalang anu man ang mangyari'y pag-ibig nila'y hindi magmamaliw magpakailan pa man. "Kung gayun, sumama ka na lang sa mundo ko, o kaya'y ako na lang ang sasama sa mundo mo para hindi na tayo magkahiwalay" "Hindi ganun kadali yun Mark, kelangan natin maghintay ng takdang panahon., kung kelan yun, hindi natin alam." "hihintayin ko ang pagkakataon na yun kahit anong mangyari" "gayun din ako Mark.." malagkit na nagtitigan ang dalwa, hinawakan ni Mark ang pisngi ng dalaga kasabay nito ang maiinit na halik at yakap..

Sunday, December 03, 2006

hiwaga

Hating-gabi na natapos si Mark sa trabaho kaya pagdating sa bahay ay dali-dali itong naligo at natulog sapagkat may pasok pa ito sa eskwela kinabukasan.Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na tulog ay nanaginip nito tungkol sa isang babae na hindi pa nya nakikita. Isang babae na magpapabago sa malungkot at walang direksyon nyang buhay. Isang babae na iniibig nya ng lubusan at wagas sa madaling salita. Sa panaginip nya ay kapwa sila nagiibigan at nagkakaintindihan na walang hanggang magmamahalan at kulang na lang ay magsumpaan. (RRRrrriiinngg....) tumunog na ang alarm clock panibagong araw nanamn para kay Mark. tila parang ayaw pang bumangon ni Mark mula sa higaan dahil sa kanyang panaginip at ang mahiwaga, misteryoso at tila isang diwata sa kanyang panaginip.. Malaki ang naging epekto nito sa kanya. Parati nya ito naiisip kahit nasaan sya at umaasa na mapapanaginipan nya ulit ang diwata. Sa kabila ng madalas na pagiisip at tulala nito, hindi naman na-apektuhan ang pagiging henyo nito lalo na pagdating sa mga aralin.. Isang araw, puno ng pangambang sumakay sa bus si Mark, pusturang pustura kahit walang laman ang bulsa. Pagsakay sa bus ay tila mga uhaw at gutom na linta na nakatitig ang mga pasahero sa kanya na animoy gusto syang lapangin. Kaya naman napalunok na lang ito at nanlalamig sa pawis na parang gusto na rin maghubad subalit nagdalawang isip ito sa dahilang may dalagang katabi ito at iniiwasan nyang matukso ang dilag s mala-adonis nyang katawan. Pagdating sa klase, masasamang tingin ang sumalubong sa kanya mula sa kanyang teacher sapagkat late na naman ito datapwat hindi ito nagpahalatang takot bagkos ay animoy pulitiko itong nagkakaway sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa gitna ng discussion, sumagi na naman ang diwata sa kanyang panaginip, panaginip na gusto nyang balik-balikang at hinahangad na maging isang katotohanan..

ALARMA!

Alas syete na ng umaga, oras na para gumising si Mark 9am simula ng trabaho nya kaya dali-dali itong naghanda ng sarili, nagalmusal, naligo at nagbihis wala syang inakasayang segundo sapagkat ayaw nyang mahuli sa trabaho. Sa isang pizza restaurant sya nagtatarabaho na kung saan ay siya ang gumagawa ng pizza at madalas ay nagseserve sa customer. Madali naman nyang natutunan ang mga dapat matutunan dahil na rin sa likas nyang talino at abilidad kaya naman ang ibang nyang katrabaho ay nagtataka kung bakit napakagaling nito gayung isa palang itong baguhan.. Isang araw, nagkekwentuhan si Mark at ang katrabaho nitong si Steve. " Mark, may asawa ka na ba?". "Ano??". "Sabi ko kung may asawa ka na?". "Wala pa, bakit"? takang tanong ni Mark sapagkat habang tinatanong ito ni Steve ay kasabay ang malalagkit na titig nito sa kanya na parang may ibang ibig sabihin.., "Bakit mo naman naitanong?". "wala naman, naalala ko lang kasi ang nobyo ko , este yung pamangkin ko pala, kasing edad mo rin kasi sya". Lalong naghinala si Mark sa pagkadulas ng dila ni Steve nang sambitin nya ang salitang nobyo sapagkat lalake naman ito na may malaking katawan na tila sampung taon nagtrabaho sa katayan ng baboy. Habang humahaba ang usapan nila ay napapansin ni Mark ang malilikot na dila at bumibilog na bibig ni Steve habang nagsasalita ito kaya minabuti na lang nya na bumalik na sa trabaho at wag na lang bigyan pansin ang mga napupuna.

Tuesday, August 08, 2006


RockYou slideshow | View | Add Favorite

Friday, December 09, 2005

moody

Winter season noon, mahirap mag-abang ng bus dahil malamig halos parang naninigas na ang mga paa ni Mark, papasok na sya sa eskwela halos isang oras nya hinintay ang bus. Na stranded ang bus dahil narin sa panahon . Pagdating nya sa eskwela ay nagsisimula na ang eksamin subalit sa taglay nyang galing at talino ay sya parin ang naunang nakatapos at na unang nakauwi. Hindi na nagtataka si Mark kung paano nya nagagawa ang mga ganung bagay sapagkat simula pagkabata ay napansin na nya ang mga katangian na walang ang iba lalo na ang "makalaglag panty" nyang tingin. pagsakay ni Mark ng bus ay nakita nya ang isa nyang kaibigan na si Brando. "pare kumusta na school?" tanong ni Brando. "ganun parin, marami paring estudyante". "Gusto mo ba ng part-time job"? alok ni Brando. "ano? bl*w-job?". "Sabi ko PART-TIME JOB". linaw ni Brando. "ok lang". at pumasok nga si Mark sa pinagtatarbahuhan ni Brando at iniwan na ang trabaho s restaurant para na rin makaiwas sa mga makamundong pagnanasa sa kanya ng mga katrabaho nya doon.

Tuesday, November 15, 2005


A Poem for Parents
(Before I fall to sleep ...) by Patience Allison Hartbauer

Did you forget to say you love me,
Before I went to bed last night,
Or, were you too busy,
Were you nervous or uptight?
I try so hard to please you,
But, I know I goof a lot,
My pranks and foolish antics,
Are the only weapons that I've got. You forgot to ask me how I feel,
And, did I have a busy day?
I wanted so to talk to you,
I have so much to say.
I am starving for attention,
No toy can satisfy,
I hunger for approval,
Heaven knows how hard I try.
You seldom ever notice,
If I smile of if I frown. Perhaps you think I'm alright,
That nothing gets me down.
I need to be encouraged, I need praise to build my pride,
I sometimes struggle with emotions,
That keep churning deep inside.
Perhaps you feel that I am tough,
I can cope with anything, But I am still a child,
Growing up can sometimes sting.
Don't let me fail all by myself,
Hold on and help me grow,
For if you haven't time for me,
I have nowhere else to go.
I hurt and often hide my tears,
I search for guidance and direction,
I need to know that I am loved,
I need a show of warm affection.
I hope that you will hear my prayer,
And help to make things right,
Please let me know how much you love me,
Before I fall to sleep tonight.

Monday, October 31, 2005

Unang Hamog

.Malimit ay tulog si Mark sa klase gayon pa man ay sya parin ang pinaka-magaling sa klase kaya pinapabayaan na lang sya ng mga teacher matulog sa klase, ngunit minsan ay nakakaramdam din sya ng hiya sa mga kamag-aral at teacher nito lalo na noong nagisnan nyang tapos na ang klase at ginigising sya ng isang kaklse para sabihing oras na para umuwi. Pagkatapos ng klase ay diretso na siya sa trabaho, sa isang sikat na restaurant nagttrabaho si Mark na kung saan ay madalas siyang pinagnanasahan ng mga katrabaho nito maging mga lalake dahilan na rin ng maamo nitong hitsura na parang isang anghel na bumaba galing sa langit. Hindi na sya nagtataka sa mga napapansin nya sapagkat datapwat subalit ngunit sapagkat simula pa pagkabata ay nasa kanya na ang lahat ng magagandang katangian na pinapangarap ng mga kadalagahan. Sa kabila ng mga katangian niyang ito ay mapagkumbaba parin siya na kahit kelan ay hindi nya pinuri ang kanyang sarili o nagbuhat ng sariling bangko. kahit magaganda ang katangian nya, ay lagi siyang bigo sa pag-ibig, na tila ba pagkatapos gamitin ang kanyang katawan ay bigla na lang iiwanan, masakit man ito kay Mark ay pilit na lang niyang tinatanggap ang mga katotohan.